75,000 na trabaho bunga ng foreign trips ni Pangulong Marcos
Nasa 75,000 na trabaho ang malilikha bunga ng 13 na official foreign trips ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Labor Secretary Beinvenido Laguesma na base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nasa power sector at renewable energy ang lilikhaing trabaho.
Limang bansa aniya ang nagpahayag ng interes na mag negosyo sa bansa.
Kabilang na ang Germany, Singapore, Amerika, Netherlands.
Sabi ni Laguesma, may kwalidad na trabaho ang alok ng mga kompanya.
Kabilang sa mga biyahe ng Pangulo ang Amerika, Switzerland, Belgium, China, Singapore, Cambodia, Thailand, Malaysia at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.