Tatlong milyong manggagawa ang kailangan ng gobyerno para sa mga gagawing infrastructure project sa susunod na taon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na skilled at unskilled worker ang kailangan ng gobyerno.
Sabi ni Bonoan, nasa 70,000 na malalaki at maliliit na proyekto ang ikakasa sa susunod na taon.
Nasa P800 bilyon ang nakalaang pondo para sa capital outlay ng mga proyekto.
Sabi ni Bonoan, magbibigay ng training ang TESDA para makamit ang target na labor force.
Mataas din naman aniya ang alok na pa-sweldo ng gobyerno kung kaya kumpiyansa si Bonoan na hindi mangingibang bansa ang mga manggagawa.
Mega project aniya ang ikakasa ng pamahalaan sa susunod nation kung kaya tiyak na maraming alok na trabaho sa mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.