Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi maaring igiit ang Philippine – United States (US) Mutual Defense Treaty (MDT) sa panibagong panggigipit ng China sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na pinag-uusapan pa rin ang ilang termino sa naturang kasunduan.
Kamakailan, gumamit muli ang Chinese Coast Guard ng water cannon laban sa isang Philippine Coast Guard (PCG) vessel, na nagsisilbing escort ng isang civilian supply ship, bukod pa sa isinagawang “dangerous manuevers.”
Binatikos ito ng US State Department at sinabi na ang naging aksyon ng China ay pagbabanta sa “peace and stability” sa rehiyon.
Muli din binanggit ng gobyerno ng Amerika ang suporta sa Pilipinas at ipinaalala ang 1951 MDT.