DepEd may contingency plan para sa mga mag-aaral ng mga napinsalang paaralan

By Jan Escosio August 08, 2023 - 08:00 AM
Tiniyak ng Department of Education (DeEd) na makakapag-aral ang mga estudyante ng mga napinsalang paaralan sa muling pagbubukas ng mga klase ngayon buwan. Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na prayoridad sa disaster fund ng kagawaran ang pagsasaayos ng mga napinsalang paraalan dahil sa bagyong Egay at Falcon. Aniya kung hindi naman agad maaayos ang ang paaralan ay ikakasa nila ang blended learning system para makapagaral ang mga estudyante. Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Michael Poa na 353 paaralan ang napainsala dahil sa pananalasa ng dalawang bagyo, gayundin ng habagat. Sinimulan na rin aniya ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng mga paaralan. Aniya kailangan na matiyak din ang kaligtasan ng mga paaralan bago papayagan ang mga estudyante na magamit ang mga ito sa pag-aaral.

TAGS: Bagyo, damage, deped, egay, falcon, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Bagyo, damage, deped, egay, falcon, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.