Filipinas kinilala ng Senado sa isang resolusyon

By Jan Escosio August 08, 2023 - 07:57 AM
(sENATE PRIB) Nagkaisa ang mga senador sa pagsuporta sa resolusyon na nagbigay pagkilala sa Filipinas, ang Philippine women’s football team, sa tinamong panalo sa FIFA Women’s World Cup. Inisponsoran si Sen. Pia Cayetano ang Senate Resolution No. 80. Siya ang namuno sa delegasyon. Kinilala sa resolusyon ang ipinakitang gilas ng Filipinas na nagbigay karangalan at pagkilala sa bansa.

“This triumphant achievement resonates deeply with the Filipino people, as it not only showcases the team’s prowess on the global stage but also symbolizes the resilience and indomitable spirit of the Philippines,”  ayon sa resolusyon.

Sa sesyon ng Senado, ipinaliwanag ni Cayetano kung paano ginulat ng Filipinas ang buong mundo nang talunin ang New Zealand, 1-0, noong Hulyo 25 sa Wellington Stadium.

Kinilala din niya si Sarina Bolden, ang umiskor ng winning goal, ng special recognition at kinilala din sina coach Alen Stajcic at team manager Jefferson Cheng.

Samantala, sinabi naman ni Majority Leader Joel Villanueva na dahil sa panalo ng Filipinas, milyong-milyong Filipino ang naging football fans.

“We may have bowed out of the competition, but our national team have won the hearts of legions of football fans all over the world. Their names are already etched in history, and we will be forever grateful to them,” ani Villanueva.

TAGS: FIFA, Filipina, New Zealand, news, Pia Cayetano, Radyo Inquirer, sports, World Cup, FIFA, Filipina, New Zealand, news, Pia Cayetano, Radyo Inquirer, sports, World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.