Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng 977 bagong COVID 19 cases sa bansa noong Hulyo 31 hanggang kahapon, Agosto 6.
Bunga nito, ang bagong daily average na bilang ng kaso sa bansa sa nakalipas na isang linggo ay 140, na mababa ng 25 porsiyento kumpara sa naitala noong Hulyo 24 hanggang Hulyo 30.
Sa mga bagong kaso, 11 ang malubha at kritikal, samantalang may 34 na namatay dahil sa sakit sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa kabuuan, hanggang kahapon ay may 315 na malubha at kritikal ang kalagayan na ginagamot sa ibat-ibang ospital sa bansa.
Samantala, 100.4 percent na ng target population sa bansa ang bakunado laban sa nakakamatay na sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.