Mararamdaman ng husto ng mayorya ng public transport operators at drivers ang itataas ng presyo ng kada litro ng diesel o krudo bukas.
Base sa anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, P4 ang madadagdag sa kada litro ng diesel simula ala-6 ng umaga.
Tataas naman ng P0.50 ang kada litro ng gasolina at P2.75 sa kerosene.
Ito ang pang-limang sunod na linggo ng dagdag presyo sa diesel at kerosene, samantalang pang-apat sa gasolina.
Noong nakaraang Martes, tumaas na ng P3.50 ang halaga ng diesel, P3.25 sa kerosene at P2.10 sa gasolina.
Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang linggo, malaki ang madadagdag sa presyo ng diesel at kerosene ngayon linggo dahil sa bawas-produksyon ng langis ng Saudi Arabia.
MOST READ
LATEST STORIES