Angara suportado ang integrated master plan kontra baha

By Jan Escosio August 07, 2023 - 05:59 AM

OSSA PHOTO

Nagpahayag ng kanyang pagsuporta si Senator Juan Edgardo “Sonny Angara sa nais ng ilan sa mga kapwa senador na magkaroon ng  integrated master plan para masolusyonan ang pagbaha sa Central Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

Naniniwala si Angara na ang malaki ang maitutulong ng plano ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mga pagbaha tuwing sasapit ang tag-ulan sa bansa.

“Dapat magkaroon tayo ng pangmatagalan at permanenteng solusyon sa pagbabaha lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog, dike at dam,” sabi pa ng namumuno sa Committee on Finance.

Dagdag pa ng senador na malaki ang pinsalang idinudulot ng baha sa agrikultura, hanapbuhay, negosyo, lalo na sa mga apektadong pamilya.

Samantala, nagsanib puwersa sina Angara at Villanueva sa pagbibigay ng pagkain at relief goods sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan dahil sa bagyong Egay at Falcon, gayundin dahil sa habagat.

Isinagawa ang pamamahagi sa  Hagonoy, Calumpit, Malolos, Bocaue, Balagtas at Guiguinto.

 

 

 

 

 

TAGS: Angara, Bulacan, flood master plan, Villanueva, Angara, Bulacan, flood master plan, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.