Nasa 248 na volcanic earthquakes, 112 rockfall events at limang pyroclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 124 na volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 18 minuto ang haba ang naitala sa bulkan.
Naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.
Umabot ang pagguho ng lava ng hanggang 4 na kilometro mula sa crater.
Nasa 1,602 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Katamtaman ang naging pagsingaw ng plume na napadpad sa Silangan-hilagang-silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES