Senate probe sa malawakang pagbaha binasbasan ni PBBM – Villanueva

By Jan Escosio August 04, 2023 - 04:38 PM
Sa darating na Agosto 9, araw ng Miyerkules, naitakda ang pagdinig sa Senado ukol sa naranasang malawakan at matinding pagbaha sa maraming lugar dahil sa bagyong Egay at habagat. Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva may basbas ni Pangulong  Marcos Jr., ang gagawing pagdinig. Maging si Pangulong Marcos Jr. ayon kay Villanueva ang nagbanggit na dapat ay may mapanagot sa pagbaha na sa kanyang palagay ay dulot na rin ng kapabayaan. Sinabi pa ng senador na ang naturang pagsisiyasat ng Senado ay alinsunod na rin sa nais ng Punong Ehekutibo na magtatag ng Department of Water Resources Management.   Kikilatisin sa pagdinig ang P183 billion na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong taon at ang detalye ng alokasyon sa flood control projects ng ahensya sa 2024 na tumaas pa sa 17.8% o P215.6 billion.   Aminado kasi si Villanueva na ilang dekada na ang nakalipas ay walang nangyayari at lumalala pa ang pagbaha sa kabila ng bilyung-bilyong pisong pondong inilalaan dito ng Kongreso.   Bukod dito, aalamin din sa pagdinig ang status ng integrated master plan ng Central Luzon at master plan ng Metropolitan Manila Development Authority , ang kita na nawawala sa bansa dahil sa pagbaha at kung ano ang tugon ng gobyerno sa nasabing problema.   Posible ring ipaharap sa pagdinig ang National Irrigation Administration (NIA) para bigyang linaw ang polisiya sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para alamin kung ang mga mitigating projects at greening program ay nakakatulong ba sa pagkontrol ng baha.

TAGS: baha, DPWH, flood control, Joel Villanueva, news, Radyo Inquirer, baha, DPWH, flood control, Joel Villanueva, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.