Nabawasan na ang bilang ng mga motorcycle rider na humihinto at sumisilong sa ilalim ng mga overpass o MRT stations kapag bumubuhos ang ulan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Atty. Victor Nuñez, Director for Traffic Enforcement Group ng Metro Manila Development Authority na mula nang ipatupad ang implementasyon ng patakaran noong Agosto 1, pitong motorcycle rider na lamang ang kanilang nahuli.
Isang libong pisong multa ang ipinapataw sa mga nahuhuling sumisilong sa mga overpass.
Paniwala ni Nuñez, naunawaan na ng mga motorcycle rider ang pagbabawal na huminto at sumilong sa mga overpass dahil sa pangambang magdulot ng aksidente.
Sabi ng opisyal, para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa lansangan ang patakaran.
Nagkakaroon kasi aniya pooor visibility kapag malakas ang ulan kung kaya dapat na hind imaging hadlang ang mga motorcycle rider na sumisilong sa gilid ng kalsada.
Pinayuhan naman ni Nuñez ang mga traffic enforcer na magpatupad ng maximum tolerance.
Ayon kay Nuñez, marami silang konsiderasyon bago mag isyu ng violation tickets.
Mahalaga aniyang magbigay ng sapat na panahon sa mga rider para makapagsuot ng kapote saka pakiusapan nang maayos na agad ding lumisan sa lugar.