LGUs inatasan ng DILG na magsagawa ng inspections sa electrical posts, construction sites
By Jan Escosio August 04, 2023 - 02:33 PM
Matapos ang insidente sa Binondo, Maynila kahapon, inutusan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng inspections sa mga poste ng kuryente, billboards at construction sites sa kanilang nasasakupan.
Layon ng utos na malaman ang mga may pagbabanta ng trahedya kapag malakas ang ulan o kalamidad.
Kahapon, ilang poste ng kuryente ang bumagsak sa Quintin Paredes street na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong katao at pinsala sa walong nakaparadang sasakyan.
Inatasan din ni Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) na makipag-ugnayan sa power distributor na nagmamay-ari ng mga bumagsak na poste para masiguradong matutulungan ang mga biktima at maisaayos ang mga poste sa pinakamabilis na panahon.
Maglalabas ang kagawaran ng memorandum circular para matiyak ang pagtalima ng LGUs sa naturang kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.