Inflation bumagal sa buwan ng Hulyo
By: Chona Yu
- 1 year ago
Patuloy ang pagbagal ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito na ang ikaanim na buwan na tuloy tuloy ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nasa 4.7 percent na lamang ang inflation noong buwan ng Hulyo, mas mababa sa 5.4 percent na naitala noong Hunyo.
Ayon sa PSA, ang inflation sa buwan ng Hulyo ay pasok pa rin sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 4.1 percent hanggang 4.9 percent.
Sabi ng PSA, ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng housing, tubig, gas at iba pa ang dahilan ng pagbagal ng inflation.