Inflation bumagal sa buwan ng Hulyo

By Chona Yu August 04, 2023 - 11:24 AM
Patuloy ang pagbagal ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito na ang ikaanim na buwan na tuloy tuloy ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nasa 4.7 percent na lamang ang inflation noong buwan ng Hulyo, mas mababa sa 5.4 percent na naitala noong Hunyo. Ayon sa PSA, ang inflation sa buwan ng Hulyo ay pasok pa rin sa forecast range ng  Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 4.1 percent hanggang 4.9 percent. Sabi ng PSA,  ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng housing, tubig, gas at iba pa ang dahilan ng pagbagal ng inflation.

TAGS: Inflation, news, psa, Radyo Inquirer, Inflation, news, psa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.