Utang ng gobyerno lumubo pa noong Hunyo

By Jan Escosio August 04, 2023 - 10:56 AM

Bahagyang tumaas ang utang ng gobyerno noong nakaraang buwan ng Hunyo, ayon sa Bureau of Treasury (BTr). Tumaas ng 0.04 porsiyento sa P14.15 trilyon ang utang at mas mataas ito ng P51.31 bilyon noong Mayo. Nanatiling mas mataas ang panloob na utang ng gobyerno sa P9.7 trilyon o 68.6 porsiyento ng kabuuang utang. Tumaas ito ng 1.2 porsiyento o 114.3 bilyon. Ang natitira naman na P4.45 trilyon ay ang kabuuang utang sa labas ng bansa. Bumaba pa ito ng 1.4 porsiyento o may katumbas na 63 bilyon dahil sa paglakas ng piso kontra sa pera ng Amerika.

TAGS: Bureau of Treasury, news, Radyo Inquirer, utang, Bureau of Treasury, news, Radyo Inquirer, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.