Senior citizens pinabibigyan ni Sen. Jinggoy Estrada ng 20% travel tax discount
“Para sa mga kagaya ko na senior citizen na nais na makapag-travel sa iba’t ibang lugar, maging sa ibang bansa, malaking bagay kung may diskwento sa mga gastusin nila lalong lalo na sa mga binabayarang buwis. Para sa mga ordinaryong senior citizens, ang matitipid nila ay maaari nilang ipangtustos sa iba pa nilang mga bayarin,” ani Estrada.
Nais ng senador na mapalawig ang Section 4 ng Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act.
Naniniwala din si Estrada na kung maaaprubahan ang kanyang panukala, mahihikayat nito ang senior citizens na bumiyahe at tuklasin ang mga bagong lugar at maranasan ang ibat-ibang ibang kultura na maaaring makaambag pa sa kanilang pangkalahatang kalidad ng buhay.
Napakahalaga, diin pa nito, sa kapakanan ng mga nakakatandang populasyon ang pagpasyal o pagpunta sa ibang lugar, bukod pa sa makakatulong pa rin sila sa ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.