Marcos sa KAPPT: Iangat ang pamantayan sa local films

By Chona Yu August 03, 2023 - 04:28 PM

 

 

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kasapi ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon na iangat pa ang pamantayan sa local films.

Sa oath-taking ceremony ng KAPPT officers sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na nagiging instruento kasi ang mga pelikula para maipakita ang mayamang kulturang Pilipinas pati na ang mga tagumpay na nakamit ng bansa.

“I am pleased to hear your oath and commitment to responsibly lead our very own actors guild to know that the government has a genuine and reliable partner in all of you,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na epektibo ang mga pelikula at mga palabas sa telebisyon sa makabuluhang diyalogo at mga positibong pagbabago.

Saludo rin ang Pangulo sa KAPPT dahil sa pagtataguyod at pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at pagbibigay ng trabaho sa local film at television industry.

“Lahat ‘yan ay mahalaga sa gobyerno.  Mahalaga sa ekonomiya natin ‘yan. Kasi nakakatulong ‘yan sa ating pag-publicize ng Pilipinas at tayo naman ay maipagmamalaki natin, hindi tayo mapapahiya kahit sa anong klaseng…. artistic endeavor,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“At mahalaga nga ito para hindi lamang tulungan ang ating mga practitioners kung hindi pati na ay maipagmalaki ang kultura ng Pilipino sa buong mundo. Bukod pa riyan ay mahalaga ang ating …creatives industry dahil you are defining the culture of the Philippines,” dagdag ng Pangulo.

Sa kabila kasi aniya ng pandemya sa COVID-19, naibida pa rin ng mga aktor at director ang pelikulang Filipino sa mga international film festival.

“Pag pinapagtibay natin, pinapaganda natin at binibigyan natin ng suporta lahat ng ating mga creatives, ito ay pagsusuporta sa ating pagiging Pilipino. Dahil when you say, ‘What is it to be a Filipino?’ You point to our culture, because a culture is a shared consciousness,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“That is why, not only is it important to support our practitioners in the creatives industry, because of the very damaging effects of the pandemic to your industry, number one, but also to bring (our culture and progress) to the rest of the world. Kasi kaya natin ipagmalaki,” dagdag ng Pangulo.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., film, kappt, news, pelikula, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., film, kappt, news, pelikula, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.