Ilang sasakyan ang nabagsakan nang matumba ang pitong poste ng Meralco sa Plaza Lorenzo Ruiz, Manila.
Ayon Public Information Office ng Manila, sarado sa mga motorista ang buong kahabaan ng Quentin Paredes.
Agad naman na rumesponde si Manila Vice Mayor Yul Servo at mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau.
Hinihintay pa ngayon ang assessment ng City Engineering Office kung ilang sasakyan ang nabagsakan.
Ilang residente ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES