Globe 746 ulit nabiktima ng pagnanakaw ng mga kable sa limang buwan
Umabot sa 1,600 subscribers ng Globe ang naapektuhan sa naitalang 746 insidente ng cable theft sa unang limang buwan ng taon.
Nabatid na nagresulta sa isyu sa “connectivity” ang pagputol ng mga kable.
Mababa ang naturang bilang sa naitalang 1,879 insidente sa katulad na panahon noong nakaraang taon, kung kailan naitala ang kabuuang 3,598 insidente.
Bagamat ang pangunahing dahilan ay ang pagbabawas ng Globe sa paggamit ng copper cable lines at paglipat sa fiber.
Pinuputol at ninanakaw ang copper cables dahil naibebenta ito sa mga junkshop ng P470 kada kilo.
“While the reported cases may have decreased, we believe one incident is one too many. Because ultimately, it’s our customers who suffer. Cable theft causes unnecessary inconvenience for our customers,” ani Raymond Policarpio, vice president ng Globe At Home Broadband Business.
Umabot din sa P1.4 milyon ang kinailangan na ibalik ng Globe sa mga naapektuhang kustomer.
“As we continue to work closely with law enforcers and local government units to stop these thieves, we urge our customers to be vigilant and immediately report cable theft incidents via Globe Security hotlines and [email protected],” dagdag pa ni Policarpio.
Noong 2022, ang Globe ay nagkabit ng 1.4 million fiber-to-the-home lines, at patuloy ang rollout nito ngayong taonm na gumagarantiya Ang hakbang na ito ay gumagarantiya sa “fast and reliable internet access.”
sa access sa mabilis at maaasahang internet. Bukod sa pagbabawas sa copper cable footprint nito, ipinakikilala rin ng Globe ang fiber cable labeling upang mapigilan ang mga magnanakaw.
Pinaigting din ng Globe ang kampanya nito laban sa cable theft sa pamamagitan ng Bantay Kable Program nito, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at local government units, tulad sa Bacolod City.
Noong 2022, ang Executive Order 015 ay inisyu ni Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez upang tugunan ang talamak na pagnanakaw ng mga kable ng iba’t ibang telecommunications companies sa Bacolod City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.