Suspendido ang klase ngayong araw, Agosto 3 sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod ng Manila.
Ayon sa abiso ng Public Information Office ng Manila, walang pasok ang pribado at pampublikong paaralan, sa face-to-face at online class.
Bunsod ito ng masamang lagay ng panahon dahil sa Bagyong Falcon.
Sinuspendi ng lokal na pamahalaan ang klase base na rin sa rekomendasyon ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
May alok na rin na libreng sakay ang lokal na pamahalaan simula kaninang 4:00 ng umaga para sa maayudahan ang mga stranded na pasahero.
Ilang lugar sa Metro Manila ang binabaha dahil sa pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.