Mga katutubo humarap sa Senate probe sa delayed NIA projects

August 02, 2023 - 07:00 PM

SENATE PRIB PHOTO

Humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang grupo ng mga katutubo na apektado ng mga hindi natuloy na irrigation projects ng National Irrigation Administration (NIA).

Sa pagdinig ng Senado, tinukoy ni Blue Ribbon Committee chairman  Francis Tolentino ang Balog-balog multipurpose irrigation project na ilang dekada nang ginagawa at pinondohan pa ng gobyerno ng P13.37 bilyon pero hanggang ngayon ay nasa 20 porsiyento pa lang ang nagagawa. Humarap si San Jose, Maamot Barangay Captain Reynaldo Laurzano ng Tribong Abilling, kung saan sinabi nito na noong una ay maaayos naman ang paguusap ng mga katutubo at NIA at napagkasunduan  na sila ay babayaran at ililipat ng tirahan para bigyang daan ang pagtatayo ng dam. Aniya hindi tinupad ng NIA ang mga pangako sa kanila at nawalan pa sila ng kabuhayan. Sinabi naman ni Tolentino na mangangailangan pa ng mga kasunod na pagdinig upang mabigyang linaw ang isyu.

TAGS: Blue Ribbon Commitee, Irrigation, Jan Escosio, katutubo, NIA, Blue Ribbon Commitee, Irrigation, Jan Escosio, katutubo, NIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.