Rice self sufficiency posible kasabay ng pagtatapos ng termino ni PBBM
Bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos Jr. sa 2028, kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na maaabot ang 97 percent na rice self sufficiency ng bansa.
Ayon kay Agriculture Usec. Leocadio Sebastian, sa ngayon nasa 85 percent na ang rice self sufficiencyng bansa.
Aniya makakamit ang rice self sufficiency kapag nailatag na ang Masagana Rice Development Program.
Sa naturang programa, target na mataniman at mabigyan ng sapat na suporta ang isa hanggang 1.5 milyong ektaryang lupain.
Nasa 7.6 milyong metrikong tonelada ng bigas ang inaani ng bansa tuwing anihan at 1.9 milyong metrikong tonelada naman ang inangkat ng Pilipinas.
Nasa kasagsagan aniya ang mga magsasaka sa pagtatanim habang ang iba naman ay inaasahang mag-aani na ngayon buwan o sa Setyembre.
Nilinaw rin ni Sebastian ang ulat na hanggang sa dalawang araw na lamang ang buffer stock ng National Food Authority (NFA).
Paglilinaw nito hindi mandato ng NFA kundi ng kagawaran ang mag-imbak ng bigas.
Pinagkukunan na lamang aniya ang NFA ng suplay ng bigas sa panahon ng kalamidad o sakuna kayat maliit lamang ang dami ng bigas na kanilang iniimbak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.