Sa hangganan ng tatlong barangay sa Pudtol, Apayao natagpuan ang hinahanap na Cessna 152 plane.
Base sa impormasyon mula sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakita ang two-seater Cessna plane (RPC 8598) sa hangganan ng Barangay Luna, Salvacion ar San Mariano.
Sinabi ni Cagayan DRRM Officer Joeffrey Borromeo natagpuan na rin at kapwa wala ng buhay ang pilot-instructor at student-pilot na sakay ng eroplano.
Lumipad mula sa Laoag Airport sa Ilocos Norte ang eroplano pasado alas-12 ng tanghali kahapon patungo sa Tuguegarao City Airport sa Cagayan.
Huli itong na-monitor 32 nautical miles ng Alcala, Cagayan at hindi naman ito nagpadala ng “distress signal.”
Nagsasagawa na ng retrieval operations ang rescue teams ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard.
Samantalang, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagpadala na ng kanilang imbestigador para malaman ang sanhi ng trahedya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.