Nasa P30.9 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa National Rice Program sa susunod na taon.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., gagamitin ang pondo para palakasin ang produksyon ng bigas para makamit ang target na “rice self sufficiency.”
Dagdag pa niya na sa ganitong paraan mabibili ng publiko ang bigas sa murang halaga.
Nabatid na sa naturang pondo, P9 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng mahigit 473,680 metriko tonelada ng palay para sa buffer stocking program ng National Food Authority (NFA).
Samantala, P5.3 bilyon ang inilaan para sa National Corn Program, P4.3 bilyon para National Livestock Program at P1.9 bilyon para sa National High Value Crops Development Program.
MayP1 bilyon naman ang inilaan para sa sugarcane industry at P6.9 bilyon para sa National Fisheries Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.