Boat captain ng lumubog na bangka sa Rizal nabuking na walang lisensiya

By Jan Escosio August 02, 2023 - 03:15 PM

Ibinunyag ng Maritime Industry Authority (Marina) na ang boat captain ng lumubog na bangka sa bahagi ng Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal ay walang lisensiya.

Kayat, tiniyak ng Marina na gagawa sila ng konkretong aksyon base sa naturang paglabag na ikinasawi ng 27 katao.

Kabilang sa 41 nakaligtas sa trahedya noong Hulyo 27 ang boat captain ng MB Aya Express, na sa ngayon ay nasa kustodiya ng lokal na pulisya.

Samantala, ayon pa sa ahensiya, hindi pa rin gumagawa ng hakbang ang insurance provider para mabigyan tulong ang mga nasawi.

Bagamat, nakikipag-ugnayan na ang Talim Island Passenger Motorboat and Patron Association para sa kinauukulang tulong na magmumula sa insurance provider.

 

 

 

TAGS: bangka, Laguna de Bay, MARINA, Rizal, bangka, Laguna de Bay, MARINA, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.