Nasa P50 milyong pondo ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa 10 ospital sa lungsod.
Mismong si Quezon City Joy Belmonte ang tumanggap ng pondo mula kay Sen. Joel Villanueva.
Base sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at 10-Quezon City-based hospitals, galing ang pondo sa Medical Access Program (MAP) fund na inisponsor ni Villanueva.
Nabatid na tig-P5 milyong pondo ang matatanggap ng East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines , National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Center, Quezon City General Hospital, Quirino Memorial Medical Center at Veterans Memorial Medical Center.
Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Belmonte kay Villanueva dahil lalo pang mapapalakas ang pagtugon na magkaroon ng isang malusog na populasyon.
Ayon kay Belmonte, ang kalusugan ang isa sa kanyang mga top priorities upang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng access sa healthcare system.
Sa panig ni Villanueva, sinabi nito na prayoridad niya ang mga programang pangkalusugan.