Sen. Joel Villanueva nagbigay ng P50-M sa QC hospitals

By Chona Yu August 02, 2023 - 01:45 PM

OSJV PHOTO

Nasa P50 milyong pondo ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa 10 ospital sa lungsod.

Mismong si Quezon City Joy Belmonte ang tumanggap ng pondo mula kay Sen. Joel Villanueva.

Base sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at 10-Quezon City-based hospitals, galing ang pondo sa Medical Access Program (MAP) fund na inisponsor ni Villanueva.

Nabatid na tig-P5 milyong pondo ang matatanggap ng East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines , National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Center,  Quezon City General Hospital, Quirino Memorial Medical Center at  Veterans Memorial Medical Center.

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni  Belmonte kay Villanueva  dahil lalo pang mapapalakas ang pagtugon na magkaroon ng isang malusog na populasyon.

Ayon kay Belmonte, ang kalusugan  ang isa sa kanyang mga top priorities upang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng access sa healthcare system.

Sa panig ni Villanueva, sinabi nito na prayoridad niya ang mga programang pangkalusugan.

TAGS: belmonte, doh, HOSPITALS, QC, Villanueva, belmonte, doh, HOSPITALS, QC, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.