Umakyat na sa 27 katao ang nasawi dahil sa bagyong Egat at habagat.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walo ang nasawi sa Region 1, apat ang nasawi sa Calabarzon, dalawa sa Region 6, isa sa Region 11 at walo sa Cordillera Administrative Region.
Nasa 52 katao ang naiulat na nasugatan habang may 13 ang nawawala.
Ayon sa NDRRMC, nasa 2.8 milyong indibidwal o 765,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo at Habagat.
Nasa 290,000 katao ang nanatili sa 677 na evacuation centers at may 154 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.