Paghahanap sa Cessna plane sa Northern Luzon itutuloy
Ipagpapatuloy ang paghahanap sa isang Cessna plane na napa-ulat na nawawala matapos lumipad mula sa Laoag City sa Ilocos Norte patungo sa Tuguegarao City sa Cagayan kahapon.
Alas-2:37 ng hapon kahapon nang makatanggap ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng “INCERFA” message o mensahe ukol sa hindi matiyak na kaligtasan ng isang eroplano at pasahero nito muka sa Tuguegarao flight service station (FSS).
Agad na naghanap ang Tuguegarao FSS sa Cauayan, Vigan at Lallo ngunit walang nakuhang impormasyon ukol sa lokasyon ng Cessna-152 (RPC 8598), na may dalawang sakay.
May isa pang eroplano na lumipad mula sa Laoag City airport alas-12:16 ng tanghali, ngunit isa lamang ang nakalapag sa Tuguegarao City airport ala-1:11 ng hapon.
Huling namonitor ang nawawalang eroplano, 32 nautical miles mula sa bayan ng Alcala sa Cagayan.
May video post sa Facebook ukol sa isang “distressed aircraft” na namataan sa baybayin ng Sanchez Mira at Pamplona sa Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.