“Chop-chop body parts” ikinalat sa Cavite

By Jan Escosio August 02, 2023 - 11:21 AM

Ikinalat sa dalawang barangay sa General Trias, Cavite ang ilang bahagi ng katawan.

Sa paunang impormasyon, sa bahagi ng Open Canal sa Barangay Pasong Camachile Dos nakita  kagabi ang katawan na walang ulo, mga kamay at paa.

Bago ito, sa ilog sa Barangay Bacao Uno naman natagpuan ang isang binti, na hinihinalang sa isang babae.

Bineberipika na ang ulat na may isang 16-anyos na babae mula sa Barangay Bacao Dos ang nawawala.

Ayon sa pulisya, may posibilidad na ang mga natagpuang bahagi ng katawan ay isang biktima lamang.

Pinagsusumikapan nang mahanap ang ulo at iba pang nawawalang bahagi.

TAGS: babae, cavite, chop-chop, babae, cavite, chop-chop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.