May ilang tao na mas gustong makasama ang kanilang cellphone sa halip na kaibigan-UK study

By Jay Dones June 24, 2016 - 04:18 AM

 

mobile-phoneMay ilang tao ang mas pipiliing makasama ang kanilang mga cellphone sa halip na kanilang mga kaibigan.

Ito ang lumitaw sa pag-aaral ng University of Wurzburg and Nottingham Trent na kinomisyon ng security firm na Kaspersky Lab UK.

Sa naturang pananaliksik, nasa 37.4 percent ng mga sumailalim sa pag-aaral ang nagsabing mas importante o di kaya ay kasing-importante ng kanilang mga kaibigan ang kanilang mga cellphone.

29.4 percent naman ang nagsabing mas importante o kasing-importante ng kanilang mga smartphone ang kanilang mga magulang.

21.2 percent naman sa mga dumaan sa research ang nagpahayag na mas mahalaga o kasinghalaga ng kanilang mga mobile phone ang kanilang mga asawa.

Ayon kay Astrid Carolus, Media Psychologist ng University of Worzburg, lumitaw din sa pag-aaral na maraming pagticipants ang binibigyan ng ‘human traits’ ang kanilang mga smartphones o itinuturing na itong isang tao, sa halip na isang bagay lamang.

Ito aniya ang posibleng dahilan kaya’t binibigyan ng mas malaking importansya ng ilan ang kanilang mobile phone kung ikukumpara sa tunay na tao.

Ang tawag aniya sa naturang phenomena ay anthromorphism o ang pagbibigay ng ‘human-like traits’ sa isang diyos, bagay o hayop.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.