Magnitude 3.2 quake sa Bohol

Niyanig ng magnitude 3.2 earthquake ang Sagbayan, Bohol kaninang 3:30 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na may lalim na tatlong kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Sagbayan, Bohol.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Wala rin ulat ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...