Halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagyong Egay lumubo
Umabot na sa P2.89 bilyong halaga ng produktong agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Egay.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 142,365 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 98,365 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira habang nasa 163,722 ektaryang lupang sakahan ang naapektuhan.
Kabilang sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo ay mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Ayon pa sa kagawaran, nasira ang mga pananim na palay, mais, high value crops, livestock and poultry, at palaisdaan.
Tiniyak naman ng DA na may ayuda ang mga apektadong magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.