151 lungsod, bayan nagdeklara ng “state of calamity” dahil sa bagyong Egay, habagat

PCG PHOTO

Umabot na sa 151 lungsod at bayan sa anim na rehiyon sa Luzon ang nagdeklara ng “state of calamity” dahil sa mga pinsalang idinulot ng nagdaang bagyong Egay. Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang mga ito ay sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabrzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR). Pinakamarami sa CAR sa bilang na 37, 36 sa Central Luzon at 29 sa Cagayan. Maari pa itong madagdagan ng isang lugar sa Bataan at hinihintay na lamang ang deklarasyon ng lokal na sanggunian. Kaugnay nito, sa Cagayan, nagdeklara na ang Department of Trade and Industry ng “price freeze” upang maiwasan ang pagsasamantala sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga ng mga pangangailangan.

Read more...