Andal Jr., umiyak nang makita sa ICU ang ama

July 15, 2015 - 07:18 AM

amp sr
Inquirer file photo

Totoo na nasa comatose stage na si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Inquirer ni Atty. Salvador Panelo, abogado ng pamilya Ampatuan.

Pinayagan ng korte kahapon na madalaw ni Andal Ampatuan Jr. ang kanyang ama sa ICU sa National Kidney and Transplant Institute. Ayon kay Panelo, naging madamdamin ang tagpo. “Niyakap at umiyak si Andal Jr. sa tabi ng kanyang ama. Kahit na comatose naman ay nakakarinig ito, binubulungan ni Andal Jr. ang kanyang ama habang umiiyak,” kuwento ni Panelo.

Ayon kay Panelo, apat na araw ng nasa comatose stage si Andal Sr.

Bago ito inatake sa puso noong araw ng Linggo at idineklarang nasa comatose stage, nakausap pa ni Panelo ang matandang Ampatuan at sinabi raw nito na gusto niyang humarap sa witness stand upang madinig na ng korte ang kanyang panig.

Ayon kay Panelo pinaninindigan ng matandang Ampatuan na wala siyang kinalaman at ang kanyang pamilya sa naganap na madugong Maguindanao Massacre noong 2009./ Gina Salcedo

TAGS: andal ampatuan sr comatose stage, Radyo Inquirer, sal panelo, andal ampatuan sr comatose stage, Radyo Inquirer, sal panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.