Tatlong namumuno sa koalisyon ng Christian church ang magkakahiwalay na nagsampa ng kaso laban sa drag queen na inakusahan nang paglapastangan sa awiting “Ama Namin.” Ang reklamong paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Fernando Pagente, alias Pura Luka Vega, ay inihain ng Philippine for Jesus Movement. Iisa ang reklamo na ni PJM President Bishop Alconga, Pastors Ronnie Suela at Mars Rodriguez laban kay Pajente at anila kinakatawan nila ang kani-kanilang simbahan. Anila hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Pagente sa isang bar, kung saan nagsuot siya ng damit ng Nazareno sabay awit ng ginawang bersyon sa naturang awiting pang-Simbahan. Sinabi nila na si Hesu Kristo ay hindi lamang Diyos ng mga Katoliko kundi maging ng mga born-again Christians. Naging viral ang video ng ginawa ni Pagente at kasunod nito ang mga batikos ng mga pulitiko, indibiduwal at ng pamunuan ng Simbahang Katoliko.