Drag queen na inakusahan ng paglapastangan sa “Ama Namin” inasunto

By Jan Escosio August 02, 2023 - 06:21 AM

INQUIIRER PHOTO

Tatlong namumuno sa koalisyon ng Christian church ang magkakahiwalay na nagsampa ng kaso laban sa drag queen na inakusahan nang paglapastangan sa awiting “Ama Namin.” Ang reklamong paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Fernando Pagente, alias Pura Luka Vega, ay inihain ng Philippine for Jesus Movement. Iisa ang reklamo na ni PJM President Bishop Alconga, Pastors Ronnie Suela at Mars Rodriguez laban kay Pajente at anila kinakatawan nila ang kani-kanilang simbahan. Anila hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Pagente sa isang bar, kung saan nagsuot siya ng damit ng Nazareno sabay awit ng ginawang bersyon sa naturang awiting pang-Simbahan. Sinabi nila na si Hesu Kristo ay hindi lamang Diyos ng mga Katoliko kundi maging ng mga born-again Christians. Naging viral ang video ng ginawa ni Pagente at kasunod nito ang mga batikos ng mga pulitiko, indibiduwal at ng pamunuan ng Simbahang Katoliko.

TAGS: Ama Namin, catholic, cybercrime, Ama Namin, catholic, cybercrime

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.