Pag-ulan sa Metro Manila, iba pang lugar asahan ngayon araw
Posibleng makaranas ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ng manaka-nakang pag-ulan ngayon araw dahil sa habagat.
Sa 4am bulletin ng PAGASA, maaring umulan din sa Ilocos Region, Pampanga, Bulacan at Occidental Mindoro.
Samantala, maaring maging maulan sa Zambales at Bataan dahil din sa habagat.
Magiging makulimlim na may paminsan-minsan na pag-ulan naman sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Calabarzon, natitirang bahagi ng Central Luzon at Mimaropa.
At ang natitirang bahagi ng bansa ay maaring maging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan dahil din sa habagat at localied thunderstorms.
Samantala, palayo pa nang palayo ng bansa ang bagyong Falcon, na may international name ng Khanun.
Namataan ito kaninang alas-3 ng madaling araw sa distansiyang 765 kilometro Hilaga-Kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 215 kilometro kada oras habang kumikilos sa bilis na 10 kilometro kada oras sa direksyon na Kanluran-Hilagang Kanluran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.