Kahit wala pang amnesty, mga political prisoners palalayain agad-Bello

By Jay Dones June 24, 2016 - 03:16 AM

 

Inquirer file photo

Agad na palalayain ng susunod na administrasyon ang lahat ng mga political prisoners kahit hindi pa nagsisimula ang pormal na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Ayon kay incoming government chief peace negotiator Silvestre Bello III, ang naturang hakbang ng susunod na pangulong Duterte ay bilang isang ‘gesture of goodwill’ ng kanyang administrasyon.

Ito aniya ang nilalaman ng joint statement na inirekomenda at nilagdaan ng dalawang partido sa kanilang naganap na pagpupulong na naganap sa Oslo Norway kamakailan.

Ang pagpapapalaya aniya sa mga political prisoners ay maaring maganap sa oras na manungkulan na si Duterte sa June 30 bilang Pangulo at kahit hindi pa nalalagdaan ang isang general amnesty sa mga political detainees.

Gayunman, mangangailangan pa aniya ito ng kaukulang pag-apruba mula sa Kongreso.

Sa joint statement aniya na pirmado ng dalawang panig sa pagpupulong sa Oslo, Norway, nagkaisa ang dalawang kampo na irekomenda rin ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga political detainees at NDFP consultants na saklaw ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees o JASIG.

Ito aniya ay upang makalahok ang mga ito sa gaganaping peace talks sa July.

Sa tala ng grupong Karapatan, nasa 18 NDFP consultants ang patuloy na nakadetine sa ngayon.

Ang naturang bilang ay bahagi ng nasa 543 mga political prisoners na patuloy na nakakulong sa iba’t-ibang piitan sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.