Mas mababang July inflation inaasahan ng Bangko Sentral
By Chona Yu August 01, 2023 - 01:26 PM
Tinataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mas mababa ang inflation noong nakaraang buwan.
Sa pahayag ng BSP, maaring nasa pagitan ng 4.1 porsiyento hanggang 4.9 porsiyento ang mairerehistrong July inflation.
Ito ay mababa sa 5.4% inflation noong nakaraang buwan.
Ang pagbaba, ayon sa BSP, ay bunga ng mababang halaga ng kuryente, mas murang cooking gas, prutas at isda.
Ngunit naipunto din ang mataas na presyo ng bigas, gulay at produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.