Taxpayer’s Bill of Rights bill ni Lapid lusot sa Senado

By Jan Escosio August 01, 2023 - 10:36 AM

 

Naaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1806 o ang panukalang Bill of Rights and Obligations of Taxpayers.

Ang panukala ay inakda ni Sen. Lito Lapid at inisponsoran ni Sen. Win Gatchalian.

Sa ginawang botohan, 22 senador ang bumoto ng pabor sa panukalang batas.

Sinabi ni Lapid na kabilang sa mahahalagang probisyon ng panukalang batas ay ang paglalatag sa mga karapatan at mga obligasyon ng bawat taxpayer.

Layunin din ng panukala na mabigyan ng wastong kaalaman ang mga taxpayer, mapabilis at maayos ang pagbabayad ng buwis, gayundin maiwasan ang mga pang-aabuso.

Nananawagan naman si Sen. Lapid sa mga kapwa  mambabatas sa Kamara na ipasa sa lalong madaling panahon ang counterpart bill para maging ganap na itong batas.

TAGS: Lito Lapid, news, Radyo Inquirer, tax, Lito Lapid, news, Radyo Inquirer, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.