Independent air travel safety board hiniling ni Tulfo

 

Nais ni Senator Raffy Tulfo na bumuo ng isang independent transportation safety board na tututok sa regular maintenance ng mga sasakyan panghimpapawid para maiwasan ang mga trahedya.

Nagpahayag ng pagkabahala si Tulfo sa mataas na bilang ng mga pagbagsak ng mga sasakyang panghihimpawid at base sa datos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nakapagtala ng 35 aircraft crashes mula 2018 hanggang 2022.

Kayat nais ng senador na magkaroon ng batas na titiyak sa regular safety inspections at kinakailangang pag-iimbestiga sa transportasyong panghimpapawid.

“Sa panahon kasi ngayon, crash muna bago imbestiga! This is unacceptable!” ani Tulfo.

Binanggit din niya na karamihan sa mga isinagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng mga eroplano ay “mechanical problems” ang itinuturong dahilan.

Sinabi din ni Tulfo na kulang na kulang sa mga tauhan ang CAAP para ganap na maipatupad ang kanilang mandato.

Read more...