Sen. Revilla napikon sa mga pagbaha, pagpapaliwanagin ang DPWH, MMDA

By Jan Escosio August 01, 2023 - 08:28 AM
Ipapatawag ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipaliwanag ang patuloy na pagbaha sa Metro Manila at iba pang dako ng bansa.   Sinabi ni Revilla na hihingiin niya ang paliwanag nina Public Works Sec. Manuel Bonoan at MMDA Chair Romando Artes ukol sa hindi nasosolusyunan na problema sa baha tuwing tag-ulan. Ayon kay Revilla, ang namumuno sa Senate Committee on Public Works, nakakapikon na sa tuwing uulan ay palagi na lang lumulubog sa  baha ang maraming lugar sa kabila ng mga programa at proyekto na taon-taon ay pinaglalaanan ng bilyong-bilyong pisong pondo. Una nang sinita ni Revilla ang DPWH at MMDA dahil mistulang palpak ang kanilang mga anti-flood projects.   Batay sa taunang General Appropriations Act, mula 2019 hanggang 2023 ay aabot sa P594.62 billion ang kabuuang pondong natanggap ng DPWH para sa flood control program habang P6 billion naman sa MMDA.

TAGS: baha, Bong Revilla, DPWH, mmda, news, pikon, Radyo Inquirer, baha, Bong Revilla, DPWH, mmda, news, pikon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.