Ramdam ng Filipino ang hirap, sabi ni Koko sa kanyang “Kontra-SONA”

Nakakabahala ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang tunay na kalagayan ng bansa.   Sa kanyang “Kontra-SONA” sa Senado, iginiit ni Pimentel na ramdam na ramdam ng mga Filipino ang hirap ng buhay bunga ng mataas na halaga ng mga pagkain, serbisyo at iba pang pangangailangan.   Tinalakay din ng senador ang mga gastusin ng Filipino at ang lumulubong utang ng bansa.   Diin niya mali na sabihin na sa mga nakalipas na buwan ay bumaba ang presyo dahil taliwas ito sa tunay na nangyayari sa pagtaas ng halaga ng karne, bigas, gulay at iba pa.   Aniya sa  kasalukuyang utang na P14.1 trilyon ng Pilipinas, ang bawat isa sa 117 milyong Filipino sa ngayon ay may utang  na P120,000.
  Binanggit din ng senador ang patuloy na pamamayagpag ng katiwalian sa gobyerno subalit pinuri naman ang administrasyon sa pahayag na tinutugunan na nila ito.    Sa huli, hinimok ni Pimentel ang pamahalaan na bumuo ng mga hakbangin upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at tiyaking uunahin ng pagsusulong ng kapakanan ng bawat isa.

Read more...