Bagyong Falcon napanatili ang lakas

By Chona Yu August 01, 2023 - 07:38 AM

 

 

Napanatili ng Bagyong falcon ang lakas habang tinatahak ang sea southeast of Okinawa Islands.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 925 kilometro silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

Kumikilos ang bagyo sa 20 kilometro kada oras sa hilagang kanluran.

Taglay ng bagyo ang hangin na 175 kilometro kada oras at pagbugso na 215 kilometro kada oras.

Inaasahang nasa hilagang-silangan  ng Itbayat, Batanes o labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ng 2:00 ng madaling araw bukas, Agosto 2.

Wala namang itinaas na tropical cyclone wind signal ang PAGASA.

 

TAGS: Bagyong Falcon, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyong Falcon, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.