25 katao patay sa Bagyong Egay

July 31, 2023 - 09:40 AM

 

Umakyat na sa 25 katao ang nasawi dahil sa Bagyong Egay.

Ayon sa ulat ng National Disaster Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walo ang nasawi sa Region 1, tatlo sa Calabarzon, dalawa sa Region 6 at 12 sa Cordillera Administrative Region.

Nasa 52 katao ang nasugatan dahil sa bagyo habang nasa 20 katao naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Nasa 654,000 na pamilya o 2.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa NDRRMC, nasa 313,000 ang lumikas at nanatili sa 737 na evacuation center.

Nasa 36,000 na bahay ang nasira dahil sa bagyo.

Nasa P1.9 bilyong halaga ng agrikultura at P167 milyong halaga ng livestock ang nasira.

TAGS: Bagyo, casualty, egay, ndrrmc, news, Radyo Inquirer, Bagyo, casualty, egay, ndrrmc, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.