Maine Mendoza at Arjo Atayde, kasal na

(Photo: Ice Seguerra/Instagram)

Ikinasal na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City.

Naging intimate wedding ang kasal ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Malalapit na mga kamag-anak at kaibigan lamang ang imbitado sa kasal.

Nabatid na ang sikat na designer na si Rajo Laurel ang gumawa ng gown ni Maine.

Naging principal sponsors ang mga host ng “E.A.T.” na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Diamond Star Maricel Soriano at Nova Villa.

 

Read more...