Pangulong Marcos namahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Abra
Namahagi ng ayuda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga residente sa Abra na naapektuhan ng Bagyong Egay.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Abra, sinabi nito na tutukan ng pamahalaan ang pagsasaayos sa suplay ng tubig at kuryente.
Ito ay para mabilis na makabalik sa normal na pamumuhay ang mga residente.
Hahanapan ng paraan ni Pangulong Marcos na na matulungan ang mga residenteng nawalan ng tahanan at ngayon ay nanatili pa sa mga evacuation centers.
Namigay din ang Pangulo ng pinansyal na ayuda sa local officials para makatulong sa relief at recovery operations.
Kuntenton naman si Pangulong Marcos sa pagtugon ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan sa bagyo.
Bukod sa Abra, bibisitahin din ng Pangulo ngayong araw ang mga nasalanta ng bagyo sa Laoag at Tuguegarao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.