Bumagal ang Bagyong Falcon habang tinatahak ang Philippine Sea.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,315 kilometro silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang Pagasa.
Asahan nang makararanas ng pag-ulan ang Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.