40 volcanic quakes at 45 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

 

Mataas ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 40 na volcanic earthquakes at 45 rockfall events ang naitala sa bulkan.

Mabagal ang naging pagdaloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.1 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully. Umabot sa 4 kilometro ang pagguho ng lava mula sa crater.

Nasa 4,113 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Natatakpan ng ulap ang bulkan kung kaya walang inilabas na plume.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

Read more...